Rotary Club of Roxas at PNP, nagbahagi ng walker sa isang batang PWD

0
viber_image_2026-08-30_11-21-04-599

Masayang tinanggap ngbisang batang Person with Disability (PWD) ang mobility assistance na ipinagkaloob ng Rotary Club of Roxas at ng 2nd Palawan PMFC sa Barangay VI (Johnson Island), Roxas, Palawan, noong Agosto 29, 2026.

Sa naturang aktibidad, isang walker ang ipinagkaloob kay Mr. Justine Lobo Serna, 17 taong gulang, residente ng Barangay VI (Johnson Island), Roxas, Palawan, na isang PWD. Ang mobility aid ay inilaan upang makatulong sa kanyang paggalaw at pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain.

Ang naturang inisyatiba ay isinagawa sa ilalim ng “Gulong ng Pag-asa” Best Practice ng 2nd Palawan PMFC, isang community-oriented initiative na nakatuon sa pagbibigay ng mobility assistance sa mga PWD at iba pang indibidwal na nangangailangan ng suporta upang mapabuti ang kanilang kakayahang makakilos at magkaroon ng mas maayos na kalidad ng pamumuhay.

Sa isinagawang turnover, personal na tinanggap ni Mr. Serna ang walker, kasama ang kanyang pamilya. Nagpaabot naman sila ng kanilang pasasalamat sa Rotary Club of Roxas at sa 2nd Palawan PMFC sa ipinagkaloob na tulong.

Patuloy namang pinalalakas ng Palawan PNP ang pakikipag-ugnayan sa mga civic organization, local government units, pribadong sektor, at iba pang stakeholders upang maisulong ang mga programang may direktang pakinabang sa komunidad.

Ang “Gulong ng Pag-asa” Best Practice ay sumasalamin sa paninindigan ng mga awtoridad na isulong ang makatao, maagap, at malasakit na serbisyo, alinsunod sa layunin ng PNP na higit na mailapit ang serbisyo ng kapulisan sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *