Simultaneous School Safety Drills, isinagawa sa Sofronio Española, Palawan
Matagumpay na isinagawa ang Simultaneous School Safety Drills para sa mga mag-aaral sa bayan ng Sofronio Española sa Palawan nito lamang September 3, 2026.
Nakiisa sa aktibidad ang mga awtoridad mula sa Sofronio Española Municipal Police Station katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), 1st Palawan Mobile Force Company (1st PMFC), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at ng mga school personnel.

Dakong alas 9 ng umaga, unang isinagawa ang safety drill sa Sofronio Española Central School, Brgy. Pulot Center. Kabilang sa mga isinagawa ang orientation at briefing ng proper safety procedures sa panahon ng active attack incident, na sinundan ng simulation kung saan kailangan ng maagap na reporting, paghahanap ng ligtas na lugar, evacuation at pakikipagtulungan sa iba pang mga responding authorities.
Sumunod namang ginanap ang parehong drill sa Panitian National High School, Brgy. Panitian kung saan binigyang diin naman ang kahandaan ng paaralan sakaling may maganap na active shooting incident.
Bahagi ang aktibidad sa paghahanda sa bawat mag-aaral sakaling mayroong maganap na parehong mga insidente sa kanilang mga paaralan. Ipinapakita rin dito ang kahalagahan ng agarang pag-ulat sa nga awtoridad para matiyak ang mabilis na pagresponde sa panahon ng ganitong mga insidente.