BPATS kaagapay ng pulisya sa pagpapatupad sa Local Ordinance sa Malabon City
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya sa sumbong ng isang concerned citizen hinggil sa grupo ng mga taong umano’y maingay na nag-iinuman sa Blk. 10, Barangay Longos.
Sa pangunguna nina BT. Cerdeña, BT. Dela Cruz at BT. Vallos, agad na nagtungo ang mga awtoridad sa lugar upang beripikahin ang sumbong at maayos na matugunan ang naturang concern. Isinagawa ang responde sa koordinasyon sa Longos Police Sub-Station 5 at kay Mam Terraza.
Patuloy na hinihikayat ng pulisya ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang insidente o aktibidad na nakaaapekto sa katahimikan at kaayusan ng komunidad upang agarang maaksyunan.