Masbate 2nd PMFC at Cataingan MPS, nagsagawa ng feeding activity para sa mga bata ng Quezon Day Care Center

0
Screenshot-2026-10-04-104035

Nagsagawa ang Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), katuwang ang Cataingan Municipal Police Station (MPS), ng Community Outreach Program at feeding activity para sa mga batang mag-aaral ng Quezon Day Care Center sa Barangay Quezon, Cataingan, Masbate.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang wastong nutrisyon at kalusugan ng mga bata, gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad. Ipinakita rin nito na ang PNP ay hindi lamang katuwang sa pagpapanatili ng seguridad, kundi isang institusyong may malasakit sa kapakanan ng mamamayan.

Ang inisyatiba ay bahagi ng PNP Focused Agenda, partikular sa Community Support, na naglalayong isulong ang community-centered police service sa pamamagitan ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Randy Glenn G. Silvio, Regional Director ng Police Regional Office 5, patuloy na isinusulong ang mga programang nagtataguyod ng tiwala, malasakit, at pakikipagtulungan ng kapulisan at mamamayan tungo sa mas ligtas at maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *