Oplan Bathala, ikinasa ng Magsaysay PNP
Ikinasa ng Magsaysay Police Station ang Oplan Bathala bilang bahagi ng pinaigting na seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa paligid ng Good Shepherd Church, Barangay Poblacion, Magsaysay, Occidental Mindoro nito lamang Linggo, Oktubre 4, 2026.
Nakaantabay ang mga tauhan ng Magsaysay PNP sa mga pangunahing lugar at nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya at monitoring upang maagapan ang anumang insidente at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan na nagsisimba.
Hinihikayat naman ng Magsaysay PNP ang mga residente na makipagtulungan at agad na i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.