Angeles City Police Office, nagsagawa ng ‘Ugnayan sa Barangay’ sa Cutcut, Angeles City

0
Screenshot-2026-10-04-104319

Nagsagawa ang Angeles City Police Office (ACPO), sa pamumuno ni PCOL Robert C. Domingo, Officer-in-Charge, ng “Ugnayan sa Barangay” sa Barangay Cutcut, Angeles City, sa pangunguna ng Police Station 5 sa ilalim ni PMAJ Janice V. Angeles, Acting Station Commander, katuwang ang tanggapan ni Punong Barangay Juanito Dayrit.

Dumalo sa aktibidad ang ACPO Quad Staff, mga opisyal ng barangay, Purok Leaders, at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), kung saan naging sentro ng talakayan ang mga umiiral na crime trends at sitwasyon ng krimen, pag-iwas sa mga insidenteng may kinalaman sa loose firearms, pagpapatupad ng mga warrant of arrest, pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, at iba pang usaping pangkapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Binigyang-diin din ang pagpapalakas ng seguridad sa pamamagitan ng JBM Patrol System, na nagtataguyod ng koordinadong pagpapatrolya ng pulisya at komunidad upang higit na mapalakas ang crime prevention at detection. Ipinakita ng “Ugnayan sa Barangay” ang patuloy na pagsisikap ng ACPO na palakasin ang ugnayan sa mga mamamayan at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad tungo sa mas ligtas at mapayapang Angeles City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *