Seguridad sa Komunidad, pinaigting ng Zambales 1st PMFC kaisa ang BPATs

0
Nighttime-Courtyard-Security-Briefing

Nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga tauhan ng Zambales 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pangunguna ni PCpl Marvin P. Enilo at sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Apolonio P. Ablan Jr., OIC, katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Sinabacan, Candelaria, Zambales, noong Oktubre 17, 2026, simula alas-10 ng gabi bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng DILG Safer Cities Initiatives sa ilalim ng JBM Patrol System.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang presensya ng pulisya, paigtingin ang koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) at mga opisyal ng barangay, at matiyak ang kaligtasan ng publiko, kapayapaan at kaayusan sa nasasakupan ng Candelaria, lalo na sa gabi.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagpapatrolya, patuloy na pinaiigting ng PNP at BPAT ang pagbabantay sa komunidad upang maiwasan at mapigilan ang mga kriminal na aktibidad at mapanatili ang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *