Community Outreach Program, isinagawa sa Las Piñas City

0
854670035_1403415775300370_1296517162924547805_n

Nagsagawa ng Muslim Community Outreach Program ang mga tauhan ng Station Community Affairs Section (SCAS) ng Las Piñas City Police Station noong Oktubre 16, 2026, alas-1:00 ng hapon, sa El Grande Mosque, BF Homes, Barangay CAA, Las Piñas City, kung saan namahagi sila ng 200 packed lunch sa mga Muslim na residente ng nasabing lugar matapos ang kanilang sama-samang pagdarasal tuwing Biyernes.

Pinangunahan ang aktibidad ni PMAJ Jeric M. Tilaon, Chief ng SCAS, sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PCOL Fermin D. Armendarez III, Acting Chief of Police ng Las Piñas City Police Station.

Layunin ng programa na maipakita ang pakikiisa at malasakit ng Philippine National Police (PNP) sa komunidad ng mga Muslim, gayundin ang pagsusulong ng pag-unawa sa kultura at paniniwala ng bawat isa. Patuloy na pinagtitibay ng PNP ang ugnayan at tiwala ng mamamayan sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, respeto, at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *