School Visitation, ikinasa ng Laur MPS bilang suporta sa 34th National Children’s Month

0
903304634_1663031712196047_6361662457339668831_n

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-34 na National Children’s Month, nagsagawa ang Laur Municipal Police Station, sa pangunguna ni PMAJ Zandrew M. Tipay, Chief of Police, ng pagbisita sa San Isidro High School upang higit na mapalakas ang presensya at pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa komunidad ng paaralan.

Layunin ng gawaing ito na palawakin ang kaalaman tungkol sa mga karapatan at proteksyon ng mga bata, gayundin ang pagpapatibay ng koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at mga institusyong pang-edukasyon. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, pagbibigay ng wastong paggabay, at agarang pagsumbong sa mga insidenteng may kaugnayan sa pang-aabuso sa mga bata, bullying, at iba pang banta sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

Patuloy ang Laur MPS sa pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at komunidad bilang suporta sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapagmalasakit, at makabata na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *