PNP, nakaalerto at nakahanda na para sa ASEAN Summit

0
FB_IMG_1794630271709

​Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. na nakalatag na ang lahat ng hakbang para sa seguridad at kaligtasan ng publiko at mga delegado sa nalalapit na ASEAN Summit.

​Libo-libong pulis ang ipakakalat sa mga pagdarausan ng pulong, ruta ng mga convoy, at mga hotel ng mga lider. Pinaigting din ng PNP ang intelligence monitoring, cyber-security, at koordinasyon sa AFP, PCG, at MMDA.

​Kasabay nito, nananawagan ang PNP sa publiko na maging mapagmatyag, agad i-report ang anumang kahina-hinalang kilos o bagay, at planuhin nang maaga ang kanilang biyahe upang makaiwas sa inaasahang bigat ng trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *