Kaligtasan ng mga ASEAN Delegates, prayoridad sa malawakang security deployment ng NCRPO
Nakatutok ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga dayuhang lider, delegado, at opisyal na dadalo sa serye ng mga pagpupulong ng ASEAN sa Metro Manila.
Bilang bahagi ng seguridad, nagpakilos ang NCRPO ng mahigit 20,000 tauhan ng pulisya sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Christopher N. Abrahano, Officer-In-Charge, upang bantayan ang mga pangunahing lugar at pasilidad na may kaugnayan sa nasabing pagtitipon.
Layunin ng deployment na mapanatili ang kaayusan sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad at matiyak na ligtas ang mga kalahok sa kanilang pagdalo sa iba’t ibang pagpupulong.
Patuloy ding pinagtitibay ng NCRPO ang koordinasyon ng mga tauhan nito upang matiyak ang maagap na pagtugon sa anumang pangyayari at mapanatili ang isang ligtas at mapayapang kapaligiran sa Metro Manila.