Foot patrol, ikinasa ng BPATs at kapulisan bilang suporta sa ASEAN 2026
Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kaugnay ng ASEAN 2026, nagsagawa ng pinagsanib na pagpapatrolya ang mga tauhan ng Angeles City Police Station 5 at Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ng Cutcut sa kahabaan ng Leen Street, Barangay Cutcut, Angeles City noong Nobyembre 14, 2026.
Pinangunahan ni PLT Marlon Miranda, Duty Officer, ang nasabing foot patrol na naglalayong palakasin ang presensya ng kapulisan sa komunidad, maiwasan ang mga gawaing kriminal, at matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Binigyang-diin ng pinagsanib na operasyon ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan at mga katuwang sa barangay sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na pamayanan.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagbabantay at aktibong pakikilahok ng BPATs, patuloy na isinusulong ang pagbabantay sa komunidad at sama-samang responsibilidad para sa kaligtasan ng publiko bilang suporta sa ASEAN 2026.