PNP, pinagtibay ang paghahanda sa seguridad para sa 49th ASEAN Summit

0
907276957_1929757161519375_6059342975332280940_n

Pinangunahan ni PLTGEN Neri Vincent D. Ignacio, Acting Deputy Chief PNP for Operations (TADCO), ang unang Critique Session ng PNP ASEAN Security Task Force 2026 noong Nobyembre 14, 2026, sa Philippine Trade Training Center sa Pasay City bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na ika-49 na ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong.

Tinalakay sa nasabing sesyon ang kahandaan sa seguridad at operasyon, posibleng mga panganib at banta, pagtugon sa mga emerhensiya, lagay ng panahon, at mga plano kaugnay ng pagdating at pag-alis ng mga delegado.

Nakiisa rin sa talakayan ang mga kinatawan mula sa NICA, DICT, PAGASA, Bureau of Immigration, at ASEAN NOC upang magbahagi ng mahahalagang impormasyon at rekomendasyon para higit pang mapalakas ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, layunin ng PNP na matiyak ang maayos na paghahanda, mabilis na pagtugon, at mahigpit na koordinasyon ng lahat ng yunit na nakatalaga sa seguridad ng ASEAN Summit upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga delegado at iba pang kalahok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *