Bureau of Plant and Industry, nagsagawa ng Training on Organic Production of Corn sa Davao Oriental
Nagsagawa ang mga kawani ng Bureau of Plant and Industry (BPI) ng “Training on Organic Production of Corn and Selected Lowland Vegetable” katuwang ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 12 sa Barangay Tagugpo Activity Center, Lupon, Davao Oriental, Hunyo 14, 2023.
Matagumpay na naisagawa ang nasabing pagsasanay ng BPI sa pangunguna ni Arceli Yebes, Agriculturist II para sa Tagugpo Integrated Farmers Association (TIFA) sa pangunguna ni Francisco Aldaya Sr., President.
Labis na nagpapasalamat ang mga trainees sa BPI sa pagbibigay ng ganitong programa upang magkaroon ng bagong kakayanan at kaalaman sa pagtatanim na maari nilang pagkakitaan.
Gayon din ang kanilang pasasalamat sa R-PSB Cluster 12 sa pangunguna ni PMSg Noel C Alonzo, Team Leader na naging daan upang maiabot sa kanila ang programang ito.
Ang programang ito ay naglalayong maghatid ng bagong kasanayan at sapat na kaalaman sa mga mamamayan na kanilang magagamit sa paghahanap buhay, upang may maibahagi sa kanilang pamilya.