Bloodletting Activity, isinagawa sa Sarangani Province
Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Philippine Red Cross General Santos City sa Barangay Kawas, Alabel, Sarangani Province nito lamang ika-15 ng Hunyo 2023.
Nakiisa sa aktibidad ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office at mga volunteers sa naturang lugar.
Layunin nito na makalikom ng sapat na supply ng dugo para magamit ng mga may malubhang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan pa ang kanilang buhay at para maibsan din ang alalahanin ng kanilang pamilya.
Ang aktibidad na ito ay makakapagsalba ng buhay sa pamamagitan ng pag-aalay ng dugo sa mga pasyenteng nangangailangan.