KKDAT Amulung, aktibong nakilahok sa Fun Run

Aktibong nakilahok sa fun run ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)-Amulung Chapter noong Agosto 5, 2023 na ginanap sa Brgy. Calamagui, Amulung, Cagayan.

Ang naturang fun run ay may temang “Takbo ng Pinagkaisang Pamayanan at Kapulisan para sa Kalusugan, Kapayapaan at Kaayusan ng Komunidad”, na pinangunahan ng Amulung PNP sa pamumuno ng Hepe nito na si Police Major Tristan John F Zambale.

Nakiisa din sa nasabing aktibidad ang mga barangay officials, Local Government Unit, MDRRMO at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Layunin ng naturang aktibidad na paigtingin ang magandang ugnayan ng bawat sektor ng komunidad para sa pagpapahalaga at pagbigay suporta sa mga programa at aktibidad na isinasagawa ng ating mga kabataan tungo sa kapayapaan, kaunlaran at kaayusan ng ating bansa.

Source: Amulung PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *