KKDAT Peñablanca Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Masayang nakiisa sa Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo na pinangunahan ni Dominic Danao, KKDAT Vice President na isinagawa sa tabing ilog ng Brgy. Camasi, Peñablanca, Cagayan nito lamang ika-7 ng Agosto 2023.

Katuwang ng nasabing aktibidad ang Tourist Police Unit, FTP Class HIMAGSINAB, Brgy. Officer for Environment, Brgy-Based Group at Peñablanca PNP sa pangunguna ni PMaj Harold P Ocfemia, Chief of Police.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pagkakaisa ng grupo na nakapagtanim ng may kabuuang 50 na puno ng kawayan. Ang aktibidad ay bilang suporta sa Greening Program ng gobyerno, PNP Core Value “Makakalikasan”, at Project N.A.R.E.N.U ng Peñablanca Police Station.

Ang programa ay nagpapakita ng serbisyong nagkakaisa upang mapangalagaan at mapayabong ang likas na yaman ng kapaligiran. Source: Peñablanca Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *