Advocacy Support Group, nakiisa sa Mangrove Tree Planting Activity sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang Mangrove Tree Planting Activity sa baybayin ng Brgy. Pagnamitan, Guiuan, Eastern Samar, nito lamang Martes ika-15 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng KKDAT, Force Multipliers at Faith-based volunteers ng Brgy. Guin kasama ang mga tauhan ng Eastern Samar Police Office sa pangangasiwa ni PCol Jose Manuel C Payos, Provincial Director.

Itinampok ng kaganapan ang kahalagahan ng pagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran at kinikilala ang pakikilahok at kontribusyon ng mga kabataan sa komunidad.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong isulong ang kamalayan sa kapaligiran at hikayatin ang publiko na maging maagap sa kanilang tungkulin bilang mabuting mamamayan sa muling pagdadagdag sa mga bumababang bakawan sa mga dalampasigan at pagtugon sa walang katapusang problema ng polusyon sa basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *