KKDAT Leyte Chapter, nakiisa sa Brigada Eskwela23 Kick-of Ceremony

Dulag, Leyte – Aktibong nakiisa ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo Leyte Chapter sa isinagawang Brigada Eskwela23 Kick-of Ceremony sa Cabacungan National High School, Brgy. Cabacungan Dulag, Leyte nito lamang Lunes ng umaga ika-14 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga KKDAT Leyte Chapter, mga tauhan ng Dulag Municipal Police Station, mga magulang, guro at estudyante ng nasabing paaralan.

Ito ay may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan” na tumutulong sa paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng mga klase.

Layunin ng grupo na palakasin ang pagtutulungan ng mga guro, magulang at mga mag-aaral sa pagtataguyod ng malusog at ligtas na paligid kaugnay sa nalalapit na pagbubukas ng mga klase ngayong S.Y 2023-2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *