Brgy-Based Support Group at KKDAT, lumahok sa isinagawang Zumba Dance sa Las Piñas City

Magiliw na nilahukan ng mga miyembro ng Brgy-Based Support Group at Kabataan Konta Droga At Terrorismo (KKDAT) ang isinagawang Zumba Dance Activity na ginanap sa Waray Bicol Compound, Barangay Almanza Uno, Las Piñas City nito lamang Sabado, Agosto 19, 2023. Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Satation Community Affairs Section ng Las Piñas City Police Station na nagpakita din ng talento sa pagsasayaw.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magdala ng isang malusog na pamumuhay sa komunidad upang maging aktibo sa pisikal, tumulong sa pamamahala ng timbang, bawasan ang panganib ng sakit, at mapabuti ang kalusugan at kakayahang gumawa ng mga pang-araw-araw na gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *