Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers, nakiisa sa Community Outreach Program sa Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Nambalan, Mayantoc, Tarlac nito lamang Linggo, ika-20 ng Agosto 2023.

Pinangunagan ito ng mga tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company kasama ang mga miyembro ng PNPA SANSINIRANGAN Class 2007. Nagkaisa sa pamimigay ng school supplies at relief goods.

Nagkaroon din ng libreng gupit at feeding program para sa mga residente.

Patuloy ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng pulisya lalo na sa pamimigay ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *