Tree Planting Activity, isinagawa sa Naga City

Aktibong nakiisa ang Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting activity sa Barangay San Isidro, Naga City nito lamang ika-7 ng Setyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng personahe ng Naga Police Station 2, sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Juvy D Llunar, Station Commander Nasa mahigit 100 na puno ang matagumpay na naitamin sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kalahok sa naturang aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay adbokasiya ng PNP at naturang organisasyon na naglalayong maibalik ang ganda at sigla ng ating inang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno upang makalanghap ng sariwang hangin at makakatulong kapag may dumarating na kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *