LGU nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Olongapo City

Pinangunahan ng Local Government Unit ng Olongapo City ang isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Banca-bancaan, Block 27, Barangay Gordon Heights, Olongapo City nito lamang Sabado, ika-9 ng Setyembre 2023.

Pinamunuan ito ni Hon. Rolen C Paulino, City Mayor katuwang ang Olongapo City Police Office. Nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy sa nasabing lugar.

Layunin nito na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *