KKDAT Symposium, isinagawa sa Eastern Samar
Matagumpay na isinagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Symposium sa mga estudyante ng Eastern Samar State University, Can-avid, Eastern Samar nito lamang Setyembre 21, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina Mr. Harrison Cordoa, Program Head ng College of Criminology at PLt Alyson Dale T Abetria, Operation officer kasama ang mga tauhan ng 1st Eastern Samar PMFC, mga estudyante at guro ng nasabing unibersidad.
Nakatuon ang symposium sa kamalayan ng Anti-Terrorism Act (RA 11479), Deceptive Recruitment of the CPP-NPA-NDF, Executive Order 70 (NTF-ELCAC) National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, E-CLIP (Enhanced Comprehensive Local Integration Program), RA 11313 (Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law) at ang mga parusa nito.
Nagtapos ang aktibidad sa isang bukas na talakayan kung saan ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng pagkakataon na magtanong at magbahagi ng kanilang mga opinyun, bukod dito, nagkaroon din ng pamamahagi ng mga Information, Education, at Communication Materials upang mapalaganap ang kaalaman hinggil sa mga tinalakay na mga paksa.
Layunin ng aktibidad na maghatid ng mga kamalayan sa ating mamamayan lalo na sa ating mga kabataan na mailayo sila sa anumang kapahamakan at magkaroon ng maayos at ligtas na pamumuhay.