Love Philippines Movement, nakiisa sa Community Outreach Program

Cebu – Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Love Philippines Movement (LPM) sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Subangdaku, Mandaue City, Cebu nito lamang Setyembre 21, 2023.

Katuwang ng grupo ang kapulisan ng Mandaue City Mobile Force Company, MCPO sa pamumuno ni Police Major Leo Torrejos Logroño, Officer-In-Charge at RPCADU 7 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Leoncio B Baliguat Jr, Acting Chief.

Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng food packs sa tinatayang 100 pamilya at nagbigay kaalaman din ang mga naturang grupo patungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Community Anti-terrorism, at Anti-illegal Drugs.

Ang matatag na pagkakaisa ng iba’t ibang organisasyon ay isang patunay upang makapaghatid ng tulong at saya sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *