Force Multipliers nakiisa sa Feeding Program sa Paniqui, Tarlac
Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Feeding Program para sa mga residente ng Sitio Pag-Asa, Barangay Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-22 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Paniqui Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Nicanor M Lambino, Chief of Police.
Namahagi ng libreng lomi sa mga mamamayan ng naturang lugar. Patuloy ang pagtutulungan ng PNP at Force Multipliers upang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.