Kaligkasan Warriors nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Comitang, Sto. Domingo, Nueva Ecija nito lamang Linggo, ika-24 ng Setyembre 2023.

Nakilahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Sto. Domingo PNP, Bureau of Fire Protection, MDRRMO, mga BPATs at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).

Nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magsisilbing lilim sa lugar. Patuloy ang mga miyembro ng Kaligkasan Warriors sa pagsuporta sa mga aktibidad na nagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *