FNKN nakiisa sa Community Outreach Program sa Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Foreign National Keepers Network (FNKN) sa isinagawang Community Outreach Program sa Purok 3, Barangay Vargas, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Sabado, ika-23 ng Setyembre 2023.

Nanguna sa aktibidad ang mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station katuwang ang Santa Ignacia Gospel Pastors and Bishop Organization.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng feeding program, pamimigay ng libreng tsinelas at libreng konsultasyon. Sinisiguro ng mga miyembro ng FNKN na patuloy ang kanilang pagsuporta sa anumang programa ng pulisya lalo na sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *