BPAT’s, nakiisa sa Clean-up Drive

Akitbong nakilahok ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang clean-up drive sa Purok 1, Barangay Barobo, Valencia City, Bukidnon nito lamang umaga ng Lunes, Setyembre 25, 2023.

Masigasig na nilinis at inayos ang mga sirang kahoy at mas pinaganda ang kapaligiran sa naturang clean-up drive.

Naging maayos at matagumpay ang paglilinis sa tulong ng mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Valencia City.

Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng inisyatibo ng PNP katuwang ang iba’t ibang grupo sa pangangalaga ng kalikasan upang may magamit pa ang susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *