LGBTQ Advocacy Support Groups, nakiisa sa Community Outreach Program sa SulKud

Nakiisa ang mga miyembro ng LGBTQ advocacy support groups sa Community Outreach Program na ginanap sa Sitio Sabandaging, Columbio, Sultan Kudarat nito lamang ika-25 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibalo ng Sultan Kudarat 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang RMFB12, Regional High Patrol Unit 12, PNP SAF, at aktibo namang sinuportahan naman ng LGU – Columbio.

Tampok sa aktibidad ang libreng gupit, gift giving at libreng pakain, pamamahagi ng food packs, at mga pares ng tsinelas para sa mga residente ng nasabing lugar.

Ang programa ay nagpapakita ng serbisyong nagkakaisa na may layuning makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *