KKDAT at Force Multipliers, nakilahok sa Unity Walk at Peace Covenant Signing

Isabela- Aktibong nakilahok ang mga KKDAT at Force Multipliers ng Ramon Isabela sa isinagawang Unity Walk at Peace Covenant Signing na ginanap sa Multi-Purpose Hall, Bugallon Proper, Ramon, Isabela noong ika-3 ng Oktubre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga kapulisan ng Ramon Police Station, 2nd IPMFC, COMELEC, DILG-Ramon mga kinatawan ng Simbahan, at mga kandidato sa darating na halalan. Ang pagtitipon ay nagsimula sa isang unity walk mula sa Rural Health Unit patungo sa Multi-Purpose Hall sa Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Naging matagumpay ang pagsasagawa ng Integrity Pledge at pagbasa ng Manifesto na isang hakbang patungo sa mas malinis at mapayapang halalan. Ang aktibidad ay isang simbolo ng pagtutulungan at pagkakaisa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa isang komunidad sa panahon ng eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *