BPATs, aktibong nakiisa sa Seminar on Bomb Identification sa Aklan
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang Seminar on Bomb Identification na ginanap sa Brgy. Naile, Ibajay, Aklan nito lamang ika-19 ng Oktubre 2023.
Ang akibidad ay inisyatiba ng Aklan Provincial Police Office (APPO) – Explosive Ordnance Disposal/K9 Unit
at dinaluhan din ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company, Barangay Officials ng Brgy. Naile, Brgy. Naligusan, Brgy. San Jose, at Brgy. Rizal ng nasabing munisipalidad.
Ang pangunahing mga usapin ng seminar ay ang How to manage the information of Bomb Threat, How to respond/handle on the information about the presence of suspected IED in the area, Proper protocol and response in Bomb Explosion and other related information, “ABKD” (Awareness on Bombs that Kill lives and Destroy Properties) at Different kinds of IED’s, Bomb Management, Bomb Threat and Disposal
“ABKD” (Agham hinggil sa mga Bombang Pumapatay at Sumisira ng Ari-arian)
Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman at impormasyon sa mga miyembro ng BPATs at iba pang mga kalahok upang maging handa sa potensyal na panganib mula sa mga insidenteng may kaugnayan sa pampasabog.