KKDAT Siquijor Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nagpakita ng suporta ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Siquijor Chapter sa kanilang pakikiisa sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Cantaroc-A, Maria, Siquijor nito lamang Martes, Oktubre 17, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Maria Police Station sa pangangasiwa ni Police Captain Renette Joy G Jumuad, Acting Chief of Police katuwang ang mga miyembro ng SPMFP, Pastor Fabio Artajo at Barangay Based Group.

Sa pagtutulungan ng grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng mahigit sa 20 na coconut trees sa nasabing barangay.

Ang naging hakbangin ng mga naturang grupo ay sumasalamin lamang sa iisang hangarin na magkaroon ng isang payapa, masagana at maunlad na lipunan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *