Pulong-pulong tungkol sa iligal na droga at terorismo, isinagawa sa Ozamis City
Nakilahok ang 23 indibidwal sa isinagawang pulong-pulong kontra iligal na droga at terorismo sa Barangay Guimad, Ozamis City, Misamis Occidental nito lamang ika-30 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ni Patrolman Billy Joel Salva, Mobile Patrol PNCO ng Ozamis City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Dennis Peñas, Officer-In-Charge, Ozamis City Police Station.
Sa naturang pulong-pulong tinalakay ang programang Buhay Ingatan Droga’y Ayawan o BIDA, kung saan binigyan diin ang masamang epekto ng iligal na droga at kung ano ang kahahantungan ng mga gumagamit nito.
Bukod dito, tinalakay din ang masamang epekto ng pagsali sa komunistang grupo. Patuloy ang ganitong uri ng aktibidad upang maiwasan ang banta ng iligal na droga at terorismo sa Hilagang Mindanao.