Force Multiplier, nakiisa sa Ligtas Undas 2023 sa MisOr

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Ligtas UNDAS 2023 sa Igpit Public Cemetery, Opol, Misamis Oriental nitong umaga ng ika-1 ng Nobyembre 2023.

Kasama ng mga miyembro ng Force Multiplier ang mga tauhan ng Opol Municipal Police Station, Emergency First Responder OPOL, Baranga Official, at Local Government Unit ng naturang lugar.

Ang naturang grupo ay nag-iinspeksyon sa papasok sa sementeryo upang maiwasan maipasok ang mga kontrabando na maaring makapagdulot ng krimen at hindi kaaya-ayang insidente.

Ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan, force multipliers, at advocacy support groups ay may layunin na maggunita ang araw ng UNDAS na ligtas at mapayapa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *