Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Antique
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Community Outreach Program sa Brgy. T Fornier, Patnongon, Antique nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ng Patnongon Municipal Police Station ang aktibidad katuwang ang Advocacy Support Groups mula sa Federation of Bantay Bayan Visayas Region (FBBVR), Volunteer Auxiliary Community Care Unit of the Philippines (VACCUP), Municipal Advisory Council in Police Transformation and Development, Bureau of Fire Protection , LGU Patnongon at sa suporta ng mga guro ng nasabing paaralan.
Ginanap sa aktibidad ang feeding program at nag-enjoy naman ang mga mag-aaral, guro, magulang, opisyal ng barangay, at mga residente sa zumba na pinangunahan ni Mr. Wyeth Apayart mula sa Patnongon Body and Soul Wellness Club.
Tinalakay din sa mga kalahok ang Fire Safety Tips at mga paksa tulad ng The Good Touch and Bad Touch, Illegal Drugs, Anti-Terrorism, Online Scam Tips, VAWC, Safe Spaces Act upang madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan at mga residente.
Nagbigay rin ng mga candy at school supplies ang BFP para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6, na umabot sa kabuuang bilang na siyamnapu’t apat (94) mag-aaral at apat na senior citizen naman ang tumanggap ng mga grocery packs.
Layunin ng grupo na tulungan ang mga kabataan sa kanilang pangunahing pangangailangan sa paaralan, gayundin upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa kanilang lugar.