Force Multipliers, nakiisa sa Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive

Negros Oriental – Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive sa Sitio Bateria, Brgy. Poblacion, Guihulngan City, Negros Oriental nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2023.

Katuwang ng naturang grupo ang mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Romeo G Cubo, Acting Chief of Police kasama ang 64th SAC, PNP SAF, Bateria Livelihood Association at Barangay Officials.

Matagumpay na naitanim ang nasa 200 halamang mangrove at nilinis ang dalampasigan na makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mamamayan laban sa mga sakuna.

Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang sama-samang pagsisikap ng Force Multipliers at PNP tungo sa isang mapayapa at progresibong komunidad alinsunod sa PRO7 Project: “HAW-AS.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *