Awareness Lecture on Project R.E.A.D.Y. and ELCAC nilahukan ng KKDAT sa San Juan City
Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo (KKDAT) ang isinagawang Awareness Lecture on Project R.E.A.D.Y. and ELCAC sa Pinaglabanan Elementary School, Brgy. Isabelita, San Juan City nito lamang Lunes, Nobyembre 13, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng kapulisan mula sa San Juan City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police ng istasyon.
Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa Alternative Learning System (ALS). Itinuro sa kanila ang tungkol sa ELCAC (Peace and Development & Recruitment Deception), at Project Resistance Education Against Drugs for the Youth (R.E.A.D.Y.).
Layunin nitong bigyan ng kaalaman ang bawat kabataan upang hindi maging biktima ng mapanlinlang na grupo at magabayan sila sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.