Benguet Youth Leaders nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Benguet Youth Leaders sa isinagawang clean-up drive sa Warriors Nest, Puguis Communal Forest, Puguis, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company kasama ang Benguet Youth Leaders, at University of Baguio-BS TMIT students.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na pinulot at tinanggal ang mga sobrang damo, nagtanim ng mga ornamental plants at pininturahan ang mga obstacle course upang mas lalong gumanda ang naturang lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong panatilihin ang kagandahan ng “Warriors Nest na siyang dinadayu ng mga turista sa naturang lugar. Source: Benguet 2nd PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *