Advocacy Support Group, nagkaisa sa Community Outreach Program sa Biliran
Nagkaisa ang iba’t ibang Advocacy Support Groups sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Atipolo, Naval, Biliran nito lamang Disyembre 9, 2023.
Ang aktibidad ay nilahukan ng Eastern Visayas Eagles Region, Biliran Eagles District, FNKN, MAGPTD Members, Philippine Army, Biliran Rider’s Club, Business Sector, Religious Sector, LGU Naval, Barangay Atipolo Officials, BHWs, Police Trainees, FTOs, BFP, BJMP, at iba’t ibang stakeholders.
Tampok sa aktibidad ang pagbibigay ng food packs, feeding activity, pamimigay ng gamot at vitamins, tsinelas, sport equipment, anti-rabies vaccination at pagbibigay serbisyo tulad ng libreng manicure, pedicure at haircut.
Tinalakay rin ang tungkol sa VAWC, Internal Security Operation, ELCAC, Campaign against Illegal Drugs, Human Rights, moral support, DILG BIDA Program, Implementation ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN, Pamayanan Laban sa Insurhensiya (USSAP-KAPI) USSAP-KAPI Activity, Lecture sa Fire Safety Tips ng BFP.
Tuloy-tuloy ang mga Advocacy Support Group na maghatid ng serbisyo sa mga mamamayan kaagapay ang PNP lalo na sa lubos na nangangailangan.