KKDAT, nakilahok sa BIDA Fun Run at Zumba ng DILG sa Biliran

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Biliran sa BIDA Fun Run at Zumba ng DILG na ginanap sa Capitol Grounds, Provincial Capitol, Brgy. Calumpang, Naval, Biliran nito lamang Disyembre 7, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Hon. Brigido C Caneja III, Vice Governor ng Biliran Province at PCol Felix G Gervacio Jr., Provincial Director kasama ang DILG VIII, PDEA, MADAC, BADAC, BFP, BJMP, Coast Guard, DTI, DPWH, DepEd, DOH, mag-aaral na Criminilogy ng BiPSU, Local Government Units ng 8 na munisipalidad ng Biliran, mga kabataan at residente ng naturang probinsya.

Layunin ng aktibidad na mamulat ang mga kabataan sa tunay na pagkakaisa upang sama-samang isakatuparan ang implementasyon sa BIDA program. Sa pamamagitan nito, madaling maisulong ang naturang programa sapagkat ang pagkakaisa ang daan upang mapagtagumpayan ang kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *