Faith Based Volunteers, nagsagawa ng Coastal Clean Up Drive sa Tacloban City

Nagsagawa ang mga Faith-Based Volunteers ng Coastal Clean-up drive kasama ang mga kapulisan sa Brgy. 88, Fisherman Village, San Jose, Tacloban City nito lamang Enero 29, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng ASEZ WAO World Mission Society Church of God – young adult worker volunteer, kasama ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office na pinamunuan ni PCol Michael P Palermo, City Director, Criminology Intern ng Holy Spirit College Foundation Incorporated, at mga residente ng nasabing lugar.

Nagbigay ng pasasalamat naman ang mga residente sa nasabing lugar sa pagbibigay halaga sa kalinisan at kapakanan ng kanilang lugar na kanilang pinagkukunan ng pangkabuhayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapangalagaan ang kapaligiran maging ang karagatan upang maiwasan ang posibleng trahedya na dala ng kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *