Miyembro ng FENTODA, lumahok sa Symposium sa Oriental Mindoro





Oriental Mindoro – Nakiisa sa isinagawang symposium ang mga miyembro ng Federation of Naujan Tricycle Operators and Drivers Association (FENTODA) sa Brgy. Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro nito lamang Enero 28, 2024.
Ang nasabing symposium ay pinangunahan ng mga personahe ng Provincial Highway Patrol Team Oriental Mindoro at LTO MIMAROPA. Inimbitahan din ang mga personahe ng Naujan MPS sa pamumuno ni Police Lieutenant Julian L Cuarteros Jr, Admin Officer, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Christian P Bermudez, Acting Chief of Police.
Tinalakay sa symposium ang mga batas tungkol sa Traffic Laws and Regulations, RA 8353 (An Act Expanding the Definition of the Crime of Rape and Reclassifying the same as Crime Against Persons), RA 9262 (An Act Defining Violence Against Women and their Children), RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at ang Project S.P.A.R.E. Layunin ng symposium na mas palakasin pa ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.
Gayundin, bigyan ang mga residente ng mga kaalaman hinggil sa mga tuntunin at regulasyon, mga kaalaman sa kanilang karapatan, at sa mga batas na ipinapatupad at umiiral sa ating bansa.