Bloodletting Activity, isinagawa sa Leyte
Palo Leyte- Nagsagawa ng Bloodletting Activity Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Red Cross na ginanap sa Provincial Capitol Multi-Purpose Hall, Palo Leyte nito lamang ika-30 ng Enero 2024.
Ang naturang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office na pinangunahan ni PLtCol Ricky C Reli, DPDA.
Inaanyahan ng nasabing grupo ang mamamayan na may mabubuting kalooban na patuloy na makiisa sa mga aktibidad ng gobyerno upang magkaroon ng sapat na suplay ng dugo na magagamit sa oras ng pangangailangan.