Advocacy Support Group, nagsagawa ng Outreach Program sa La Castellana, Negros Occidental

Negros Occidental– Nagsagawa ng outreach program ang miyembro ng Advocacy Support Group na ginanap sa Covered Court ng Tipolo Cabandungga Elementary School, Barangay Camandag, La Castellana Negros Occidental nitong ika-30 ng Enero 2024.

Ang programa ay tinaguriang na FUDS4KIDS at School Backpacks Philippine Project ay pinangunahan ng Philippine Nurses Association of Northeast Florida katuwang ang La Castellana Municipal Police Station na pinangunahan ni Police Major Sherwin M Fernandez, Officer-in-charge, kasama ang Lokal na Pamahalaan ng La Castellana at mga faculty at staff ng Tipolo Cabandungga Elementary School.

Nakatanggap ang 412 na mag-aaral ng Tipolo Cabandungga Elementary School ng Jollibee Meal at mga School Backpacks.

Patuloy ang nasabing grupo sa mga ganitong aktibidad upang matulungan ang ating mga kababayan at kabataang lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *