Kabataan Kontra Droga at Terorismo Lecture, isinagawa
Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang talakayan na ginanap sa Matag-ob Central School, Leyte nito lamang ika-8 ng Pebrero 2024.
Ang talakayan ay inisyatibo ng mga tauhan ng Matag-ob PNP sa pamumuno ni Police Major Ted Dennis O Clemencio, Officer In-Charge, na aktibong nilahukan ng mga Alternative Learning System (ALS) at guro ng nasabing paaralan.
Ang mga paksang tinalakay sa nasabing aktibidad ay ang Gender and Development (GAD), Republic Act 8358 o Anti-Rape Law of 1997, at Anti-Illegal Drugs Awareness.
Ang aktibidad ay isang paraan ng ating gobyerno upang labanan ang kriminalidad at pagpapataas ng kamalayan ng mga mamamayan sa iba’t ibang modus operandi ng mga kriminal.