Force Multipliers nakilahok sa Community Outreach Program

Masayang nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa isinagawang Community Outreach Program sa Purok 1, Klinan 5, Barangay Mabuhay, General Santos City noong Pebrero 8, 2024.

Kabilang na rito ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Force Multipliers, mga opisyales ng nasabing barangay at purok at mga tauhan ng General Santos City Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ma. Joyce Birrey, Force Commander.

Dito ay namahagi ang grupo sa mga residente ng mga gulay, bigas, at mga pagkain. Bukod pa rito ay nakatanggap din ang mga residente ng mga tsinelas at binhi ng gulay.

Layunin ng programang ito na makatulong sa mga mamamayan at hikayatin ang mga ito na makilahok sa mga produktibong gawain tungo sa isang maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *