“Biyayang Bigay ni Marcos” Program, matagumpay na nailunsad
Patuloy ang pagtutulungan ng mga kasapi ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at mga personahe ng Romblon Police Provincial Office sa pagsulong ng bagong programang “Biyayang Bigay ni Marcos” (BBM) – Handog ng Organisadong Sangay na isinagawa sa Barangay Calabogo, Romblon, Romblon nito lamang Pebrero 11, 2024.
Nagkaroon ng talakayan hinggil sa Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na pinangunahan ng kapulisan.
Dito ay binigyang-diin ang bawat karapatan ng kabataan hinggil sa tamang proteksyon pagdating sa usapin ng pang-aabuso, pagpapabaya, kalupitan, diskriminasyon at lahat ng kondisyon na hadlang sa kanilang pag-unlad.
Bukod sa isinagawang talakayan ay nagkaroon din ng feeding program, pamimigay ng food packs, tsinelas, libreng gupit, at blood pressure monitoring.
Ang mga ipinagkaloob na pampublikong serbisyo ay bahagi lamang ng programa ng pamahalaan upang mapangalagaan hindi lamang ang mga kabataan bagkus maging ang lahat ng residente ng naturang lalawigan.
Ang aktibidad na ito ay daan upang unti-unting maitaguyod at mapatatag ang relasyon ng gobyerno at komunidad na siyang susi sa pagkakaroon ng masagana at mapayapang bansa.
Source: Romblon Police Provincial Office