“Samahan ng mga Nanay” nagsagawa ng Community Outreach Program

Masayang nagsagawa ang grupo ng “Samahan ng mga Nanay” ng isang makabuluhang Community Outreach Program para sa mga kabataan sa SPI Road 9, New Lower Bicutan nito lamang Sabado, Pebrero 10, 2024.

Ang programa ay pinangunahan ni Ginang Rose Marie Ormita, Presidente ng grupo kasama ang 20 nitong mga kasapi katuwang ang mga tauhan ng 7th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office.

May 200 na kabataan ang naging benepisyaryo ng grupo kung saan namahagi sila ng mga laruan at pagkain.

Makikita sa mukha ng mga bata ang saya habang binubuksan nila ang mga regalo na ibinigay ng grupo.

Layunin nitong lumikha ng isang matatag na samahan upang suportahan at iangat ang mga nangangailangan ng tulong para sa kapakanan ng mga kabataan at buong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *