Barangay-Based Advocacy Group, nakiisa sa talakayan
Nakiisa ang Barangay-Based Advocacy Group ng Barangay District 10 sa isinagawang talakayan ng Balayan PNP sa Balayan, Batangas nito lamang Linggo, Pebrero 11, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Balayan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Domingo Deinla Ballesteros Jr., Acting Chief of Police.
Tinalakay ang Anti-Rape Law (Republic Act 8353), Violence Against Women and their Children (RA 9262), Safe Spaces Act (RA 11313), Child Abuse (RA 7610) at ang 8 Focus Crime.
Labis ang pasasalamat ng nasabing grupo sa mga kaalaman na kanilang natutunan sa talakayan na makakatulong sa kanilang gampanin sa kanilang nasasakupan.
Layunin ng aktibidad na maturuan ang nasabing grupo ng mga bagong kaalaman na tiyak na kanilang magagamit upang maiwasan ang pagiging biktima ng anumang uri ng krimen at makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at katahimikan sa komunidad.
Source: Balayan MPS